DISCOVER

PAGPAPAHALAGA SA PAMILYA:

Ang Responsableng Pagpapasya sa Vasectomy

Ang Desisyong Pinag-isipan nina Abby at Patrick

Si Abby, 31, at Patrick, 37, mula Mandaluyong ay may tatlong anak na may edad 11, 8, at 5. Dalawang taon na ang nakalipas mula nang magpa-vasectomy si Patrick—isang desisyong pinag-isipan nilang mabuti.

Ayon kay Patrick, hindi siya natakot sa ideya ng vasectomy. Si Abby ang unang nagpakilala rito matapos niyang maranasan ang matinding epekto ng mga contraceptive. Dahil sa madalas na komplikasyon, naghanap sila ng ibang paraan ng family planning. Napagtanto ni Patrick na mas mabuti nang siya ang mag-adjust kaysa ma-risk pa ang kalusugan ng kanyang asawa.

“Sa babae kasi, pagka, diba ligate. Sa babae kasi is hihiwaan pa. Unlike sa lalaki, is talagang hihiwaan ka lang ng, as in, sobrang liit lang talaga. And hindi mo talaga siya mararamdaman.”

“Actually, pagkatapos nung operation niya, naghintay kasi ako sa labas. Pagkatapos nun, nung nag-out na, namasyal na kami.”

“Wala as in talagang yung naramdaman ko.”

Ang Sakripisyo ng Pamilya at ang Halaga ng Buhay

Naranasan ni Abby ang emergency cesarean section nang ipanganak ang bunso nila. Sa kritikal na sandali, pinapili si Patrick kung sino ang uunahin—ang kanyang asawa o ang kanilang anak. Walang pag-aalinlangan, pinili niya si Abby, dahil may dalawa pa silang anak na nangangailangan sa kanya.

“Salamat sa Diyos, parehong ligtas ang mag-ina ko. Pero hindi ko na gustong maulit ang ganitong sitwasyon.”

Dahil dito, napagtanto nilang mas mapanganib para sa babae ang ibang contraceptives, samantalang ang vasectomy ay ligtas at permanente.

Mabilis at Maayos na Karanasan

Isinagawa ang vasectomy ni Patrick sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Recto. Libre ito sa tulong ng PhilHealth, at ang tanging alalahanin nila ay pamasahe. Tumagal lang ng 4-5 oras ang proseso, at pagkatapos nito, ilang simpleng pag-iingat na lamang ang kailangan, tulad ng pagsusuot ng supporter briefs.

Pagtutulungan Bilang Mag-asawa

Sabi ni Abby, hindi lang dapat sa babae nakaatang ang responsibilidad sa family planning. Para sa kanya, ipinakita ni Patrick na siya ay isang tunay na responsableng asawa at ama.

Sa kanilang desisyon, hindi sila nagpapaapekto sa opinyon ng iba. Hindi nila agad sinabi sa iba ang tungkol sa vasectomy ni Patrick, dahil alam nilang maraming tutol sa ideya ng lalaki ang mag-adjust.

“Hindi kasi syempre, dahil minsan pag nagmamake love kami. Parate yun dati, ang isip ko hindi ko ma-enjoy. Kaya isa rin yun sa mga tinignan ko. So ngayon, na-enjoy na ramin.” “OO totoo yun.”

Payo ni Patrick sa ibang lalaki: Suriin muna kung kaya mong buhayin ang isang malaking pamilya. Isipin mo rin ang sakripisyo ng iyong asawa. Kung sigurado ka na, walang dapat ipag-alinlangan!

Payo ni Abby sa ibang kababaihan: Mag-research at pag-usapan ito ng inyong asawa. Huwag matakot sa opinyon ng iba at suportahan ang inyong asawa sa desisyon na makakatulong sa inyong pamilya.

Read the next article: