Ang goal ng capstone project namin ay magbigay ng kaalaman at suporta sa mga lalaking Pilipino tungkol sa vasectomy at family planning. Gusto naming alisin ang mga maling akala, i-promote ang open na usapan, at bumuo ng komunidad kung saan puwedeng mag-share ng experiences at makahanap ng trusted na healthcare providers.
MISSION
Gusto naming magbigay ng tamang impormasyon tungkol sa vasectomy at family planning, at gumawa ng komunidad para suportahan ang mga tamang desisyon sa reproductive health.
VISION
Gusto namin na magkaroon ng lipunan kung saan mga lalaking Pilipino ay may alam at aktibong nakikibahagi sa family planning, gamit ang tamang impormasyon at open na usapan tungkol sa reproductive health.
MEET The TEAM

Si Justin ay isang estudyante na sumusulat ng mga kwento na tumatalakay sa realidad na dapat maipahiwatig sa kanyang kapwa Pilipino.
Project Manager, Audio Designer, Writer

Si Kring ay isang creative na nagkukuwento sa pamamagitan ng disenyo, at patuloy na sumusubok ng iba’t ibang estilo at konsepto.
Graphic Designer, Web Designer, Writer

Si Mikhaela ay isang graphic designer at layout artist na lumilikha ng mga biswal na karanasang tumatama sa damdamin.
Graphic Designer, Writer

Si Elijah ay isang web developer na umaasa na makagawa ng isang website na kaakit-akit sa paningin habang tinitiyak na ito ay simple at madaling gamitin.
Web Developer, Photographer, Writer

Si June ay isang web developer na maingat sa malinis at maayos na code, habang tinitiyak na buo pa ring ang vision na intended sa website.
Web Developer, Writer
OUR PARTNER
DKT Philippines Foundation
Ang DKT Foundation Philippines ay parte ng isang international na grupo na nagtutulong para sa edukasyon tungkol sa reproductive health at family planning. Dito sa Pilipinas, kilala sila sa pagbibigay ng affordable na contraceptives tulad ng Trust Condoms, Trust Pills, Lady Pills, DepoTrust, pati na rin ng vasectomy services.
Hindi lang sila nagbebenta ng produkto, nagtuturo rin sila at nagbabahagi ng info tungkol sa vasectomy bilang safe, effective, at permanenteng paraan para sa mga lalaking ayaw na ng anak.
Sa tulong ng kanilang education programs, outreach, at pakikipag-ugnayan sa mga health workers, gusto ng DKT Philippines na mapataas ang kaalaman tungkol sa reproductive health, mabawasan ang mga hindi planadong pagbubuntis, at mahikayat ang mas responsible na desisyon para sa kinabukasan ng pamilya.
OUR PARTNER
DKT Philippines Foundation
Ang DKT Foundation ay isang pandaigdigang organisasyon na nakatuon sa pagpapabuti ng kalusugang pang-reproduksyon at pagpaplano ng pamilya. Sa Pilipinas, kilala ito bilang DKT Philippines, na nagbibigay ng abot-kayang contraceptives tulad ng condoms, pills, IUDs, injectables, at vasectomy services.
Kilala rin ang DKT Philippines sa mga brand tulad ng Trust Condoms, Trust Pills, Lady Pills, DepoTrust, at iba pang produkto na tumutulong sa ligtas at responsableng pagpaplano ng pamilya. Bukod sa pagbebenta ng contraceptives, aktibo rin silang nagpo-promote ng vasectomy bilang isang ligtas, epektibo, at permanenteng paraan ng family planning para sa mga lalaking ayaw nang magkaanak.
Sa pamamagitan ng mga programa sa edukasyon, outreach activities, at pakikipagtulungan sa mga health professionals, isinusulong ng DKT Philippines ang mas malawak na kamalayan tungkol sa reproductive health upang mabawasan ang hindi planadong pagbubuntis at mapalakas ang suporta sa iba’t ibang contraceptive methods, kabilang ang vasectomy.