DISCOVER
BASAG ANG STIGMA
Ang Matapang na Desisyon para sa Vasectomy
MAKINIG PARA SA MAS KUMPLETONG KARANASAN.
Kilalanin ang mga Lalaking Pilipino na Nagbabago sa Pananaw ng Pagpaplano ng Pamilya
Sa matagal na panahon, ang responsibilidad ng pagpaplano ng pamilya sa Pilipinas ay itinakda sa mga kababaihan. Mula sa pills hanggang IUD, tila sila lamang ang may tungkulin upang maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis. Ngunit ngayon, dumarami ang mga lalaking Pilipino na lumalaban sa lumang pananaw—pinipili ang vasectomy bilang isang ligtas, permanenteng solusyon, hindi lang para sa kanilang sarili kundi para rin sa kanilang pamilya.
Kilalanin sina Ben, Isla, Itch, at John—apat na lalaking may iba’t ibang kuwento, ngunit may iisang mensahe: ang tunay na pagkalalaki ay nasa pagiging responsable sa iyong mga desisyon.
“For so long, women have been carrying that burden. That’s super unfair.”
Hindi minadali ni Ben ang desisyon niyang magpa-vasectomy. Noong 2018 pa lang, sigurado na siyang ayaw niyang magkaanak. Alam niya kung gaano kahirap bumuo ng pamilya sa panahon ngayon, at higit sa lahat, nakita niyang nahihirapan ang kanyang partner sa epekto ng hormonal contraceptives.
“Bakit yung babae lang nagc-carry nung burden ng birth control? I mean, it takes two to tango so to speak, ‘di ba? Like, we’re both involved in the act of having sex so, why don’t we share that burden, ‘di ba?”
Sa kanyang pananaliksik, nalaman niyang ang vasectomy ay mas ligtas at mas simple kaysa sa female sterilization. Nagpa-procedure siya sa Mary Johnston Hospital sa tulong ng DKT Foundation, na nag-aalok ng libreng vasectomy. Tumagal lang ng ilang minuto ang operasyon, halos walang sakit, at sa loob ng tatlong araw, balik siya sa normal na gawain. Ngunit mas mahirap harapin ang paniniwala ng lipunan.
Ngunit mas mahirap harapin ang paniniwala ng lipunan.
“It’s information for the most part. I think the biggest problem when it comes to people having vasectomies or getting people to sign up for vasectomy is may mga nakausap ako na very uninformed sila. One of my friends kinamusta ako sinabi ko sa kanya nagpavasectomy ako ‘tas sabi niya “huh? bakit ka nagpavasectomy? Edi ‘di ka na titigasan niyan. Sorry for being crass, ha?” Ganun. “What do you think of vasectomy as, bro?” Sabi ko sa kanya. Sabi niya lang sa’kin “eh ‘di ba pag nagpavasectomy ka hindi ka na titigasan or hindi ka na magkakaroon ng orgasm?” Saan mo nakuha yung information na ‘yon? pero feeling ko yung misinformation it also comes from the toxic masculine side of the Philippine culture that we don’t talk about all the time.”
Naging mahirap din sa kanyang pamilya ang pagtanggap sa desisyon niya. “May mga nagsabi sa akin na sayang ang lahi namin. Pero para sa akin, hindi lang ito tungkol sa pagpaparami—tungkol ito sa kalidad ng buhay.”
“Although sinasabi ng ibang tao na humayo kayo at magpakarami. But that’s not really applicable sa world now is it, ‘di ba? Sa gulo ng mundo ngayon, sa hirap ng buhay ngayon. Anong hindi ako magkakaapo with my son? Ganun.” At ang pinaka-rewarding na bahagi? Isang mas matibay na relasyon.
“ It actually got better kasi parang we get to have sex without ever having to worry about “oh did you drink your pills or are you going to get pregnant? Are we going to have a pregnancy scare?” So, I think yun, yun yung pinaka magandang aspect ng vasectomy na we don’t have to worry ever again.”
Pagwaksi sa Maling Paniniwala: Ang Vasectomy ay Hindi Nakakabawas sa Pagkalalaki
“Sa una may negative [na paniniwala] ako kasi mawawala yung pagkalalaki ko parang ganun pero narealize ko nung binasa ko siya maganda rin pala, maganda yung patutunguhan niya kumbaga mas naiisip mo prioridad ng bubuuin mong pamilya. “
"Maganda 'yung naging impact sa’kin niya kasi wala namang na wala."
“Eh binigyan ko ng importansya yung pagiging pagka mindset ko na family planning since mahirap ang buhay ngayon ‘di ba? Oo masarap maraming anak sa totoo lang kaso mahirap bumuhay.”
Katulad ng karamihan, may agam-agam si Isla tungkol sa vasectomy. Inakala niyang makakaapekto ito sa kanyang pagkalalaki. Ngunit nang maranasan niya ang hirap ng pagpapalaki ng isang pamilya sa Pilipinas, napagtanto niyang mas lalaking desisyon ang maging responsable sa kinabukasan.
“Kumbaga ako, iniisip ko yung kapakanan ko at magiging kapakanan ng dalawang bata na kung dadagdagan ko pa siya kaya ko pa ba? Kaya paba ng mga ano na mahal nga ng bilihin ngayon eh, tapos mahal pa yung pagpapaanak.”
Dati, umiinom ng pills ang kanyang asawa, ngunit dahil sa matinding side effects nito, napag-usapan nilang maghanap ng ibang paraan. Noong huling cesarean ng kanyang misis, tinanong nila ang posibilidad ng ligation. Pero nang nalaman niyang mas delikado ito kumpara sa vasectomy, siya na mismo ang nagboluntaryo.
“Gawin mo to hindi lang para sayo, isipin mo na rin yung para sa inyong dalawang mag-asawa”
Sa Mary Johnston Hospital, mabilis at walang komplikasyon ang kanyang vasectomy.
“Ano na puputulin na, pero hinatak yung ano niya, dugtungan nya. Doon ako nakaramdam ng sakit. Sabi ko, tapos naman noon normal na. Lakad ng diretso. Sakit di naman tumagal ng 5 minutes”
Ang mas ikinagulat niya? Ang reaksyon ng mga kaibigan niya. Sa halip na kutyain siya, marami ang naging interesado at humanga.
“Sabi sakin ng mga kakilala “Buti ka pa, nagagawa mo yan para sa pamilya mo” sabi ko ginawa ko kako to para sakanila, para na rin sakin sabi ko. Wala naman ako natanggap na negative para sakanila, siguro sa mga ilan ilan na hindi ako kilala sa pagkatao ko.
Sa kabila ng ilang negatibong reaksyon mula sa pamilya, nanindigan si Isla sa kanyang desisyon.
“Wala naman mawawala, kumbaga sa pagkalalaki mo walang nagbago. Kung ano lang yung magiging pananaw sa pagpapavasectomy, kumbaga, gawin mo to hindi lang para sayo, isipin mo na rin yung para sa inyong dalawang mag-asawa at yung kapakanan ng dalawang bata.”