DISCOVER
BASAG ANG STIGMA
Ang Matapang na Desisyon para sa Vasectomy
MAKINIG PARA SA MAS KUMPLETONG KARANASAN.
Mabilis, Libre, at Walang Hassle: Ang Vasectomy ay Hindi Dapat Katakutan
Si Itch, isang call center agent, ay matagal nang nag-iisip tungkol sa permanenteng contraception. Noon, umaasa lang sila ng kanyang asawa sa withdrawal at calendar method. Pero matapos ang dalawang cesarean deliveries, naisip niyang hindi na dapat ang kanyang asawa ang dumaan sa panibagong operasyon.
“Ito yung tinitignan, magpa-ligate or sa akin yun, vasectomy. And now, cesarean kasi yung birth method na dun sa panganay. And kaya dun, nag-iisip na ako na as early as that, bakit? Pwede ba? Pwede akong, baka pwede kong i-consider itong option natin. Yun yung ligate kasi, naisip ko sakanya na, nanganak na siyang dalawang beses, sa cesarean.”
"Bakit hindi ako naman ang magbasa? Ako naman. Parang, let me take my part."
“Yun yung pinaka nagmarka sa akin. Kung may option palang vasectomy, bakit hindi ko gawin? Parang I was convicted na dahil walang data, nung navasectomize ako, libre naman, sabi ko parang, I’ll take this as an advocacy na.”
Sa CMEN Clinic sa Quezon City, ang buong procedure ay tumagal lang ng 15–20 minuto.
Pagkatapos ng vasectomy, binigyan siya ng libreng antibiotics, pain relievers, condoms, at request para sa semen analysis matapos ang tatlong buwan. Sa loob ng ilang araw, balik na siya sa normal.
Hindi Lang Para sa May Asawa: Vasectomy na Para sa Lahat ng Lalaking Sigurado sa Buhay Niya
“I realized na ay ang hirap pala kumita ng pera,"
“And even though I tried to work hard meron talaga point na what I’m earning is not enough to build a family of my own.”
Hindi tulad ng iba, hindi nasa isang relasyon si John nang magdesisyon siyang magpa-vasectomy. Para sa kanya, ito ay isang personal na desisyon.
Lumaki siya sa isang mahirap na pamilya, at nakita niya kung paano naapektuhan ang buhay ng kanyang ama dahil sa dami ng anak mula sa iba’t ibang relasyon.
“Ako palang mahirap na ako palakihin, what more if I have a kid of my own?”
Noong una, natakot siyang magpa-vasectomy. Pero nang mas maintindihan niya ito, nakumbinsi siyang ito ang tamang desisyon para sa kanya. Nagpa-procedure siya nang hindi sinasabi sa kahit sino.
Ang kanyang vasectomy ay libre, walang sakit, at mabilis. Ang tanging abala lang? Ang layo ng ospital mula sa kanilang bahay sa Cavite.
Naniniwala siyang kailangang magkaroon ng mas maraming impormasyon ang mga lalaki tungkol sa vasectomy.
“I think kailangan pa ng push from the government to have it (vasectomy) become a viable alternative rather than mainly females doing stuff para mag prevent pregnancy”
Ang kanyang payo:
May asawa:
“First of all, of course we’re not telling them not to have kids. We still like them to have freedom to decide on their own, if they have additional kids or not. Pero at some point they’ll need to reconsider if kaya pa ba ng resources? Kaya pa ba ng capacity nila sa family to support additional member of their unit? if they deem that having new kids, having additional kids is not something that is no longer viable for them?”
Single:
“Think about it nang paulit ulit because vasectomy is… Although it’s reversible, it’s very hard to reverse the process or the procedure once matagal na siyang nagawa. Pag-isipan lang na mabuti and weigh out the pros and cons and if they’re ready naman, there are a lot of resources out there.”
Para kay John, ang pagiging lalaki ay hindi tungkol sa pagkakaroon ng maraming anak—ito ay tungkol sa kakayahang gumawa ng tamang desisyon para sa sarili.
“I realized na ay ang hirap pala kumita ng pera,"
“And even though I tried to work hard meron talaga point na what I’m earning is not enough to build a family of my own.”
Hindi tulad ng iba, hindi nasa isang relasyon si John nang magdesisyon siyang magpa-vasectomy. Para sa kanya, ito ay isang personal na desisyon.
Lumaki siya sa isang mahirap na pamilya, at nakita niya kung paano naapektuhan ang buhay ng kanyang ama dahil sa dami ng anak mula sa iba’t ibang relasyon.
“Ako palang mahirap na ako palakihin, what more if I have a kid of my own?”
Noong una, natakot siyang magpa-vasectomy. Pero nang mas maintindihan niya ito, nakumbinsi siyang ito ang tamang desisyon para sa kanya. Nagpa-procedure siya nang hindi sinasabi sa kahit sino.
Bagong Mukha ng Pagkalalaki
Dahil sa mga lalaking tulad nina Ben, Isla, Itch, at John, unti-unting nababago ang pananaw tungkol sa vasectomy sa Pilipinas.
Libre, mabilis, at walang hassle—oras na para pag-usapan ang responsableng pagpaplano ng pamilya.
Handa ka bang sumabay sa pagbabago?