Itinataguyod ng aming capstone project ang pagbibigay-kaalaman at suporta sa mga lalaking Pilipino tungkol sa vasectomy at pagpaplano ng pamilya. Layunin naming iwaksi ang mga maling akala, magtaguyod ng bukas na diyalogo, at lumikha ng komunidad para sa pagbabahagi ng karanasan at pag-access sa mga kwalipikadong healthcare providers.
MISSION
VISION
MEET The TEAM
Si Justin ay isang estudyante na sumusulat ng mga kwento na tumatalakay sa realidad na dapat maipahiwatig sa kanyang kapwa Pilipino.
Project Manager, Audio Designer, Writer
Si Kring ay isang creative na nagkukuwento sa pamamagitan ng disenyo, at patuloy na sumusubok ng iba’t ibang estilo at konsepto.
Graphic Designer, Web Designer, Writer
Si Mikhaela ay isang graphic designer at layout artist na lumilikha ng mga biswal na karanasang tumatama sa damdamin.
Graphic Designer, Writer
Si Elijah ay isang web developer na umaasa na makagawa ng isang website na kaakit-akit sa paningin habang tinitiyak na ito ay simple at madaling gamitin.
Web Developer, Photographer, Writer
Si June ay isang web developer na maingat sa malinis at maayos na code, habang tinitiyak na buo pa ring ang vision na intended sa website.
Web Developer, Writer
OUR PARTNER
DKT Philippines Foundation
Ang DKT Foundation ay isang pandaigdigang organisasyon na nakatuon sa pagpapabuti ng kalusugang pang-reproduksyon at pagpaplano ng pamilya. Sa Pilipinas, kilala ito bilang DKT Philippines, na nagbibigay ng abot-kayang contraceptives tulad ng condoms, pills, IUDs, injectables, at vasectomy services.
Kilala rin ang DKT Philippines sa mga brand tulad ng Trust Condoms, Trust Pills, Lady Pills, DepoTrust, at iba pang produkto na tumutulong sa ligtas at responsableng pagpaplano ng pamilya. Bukod sa pagbebenta ng contraceptives, aktibo rin silang nagpo-promote ng vasectomy bilang isang ligtas, epektibo, at permanenteng paraan ng family planning para sa mga lalaking ayaw nang magkaanak.
Sa pamamagitan ng mga programa sa edukasyon, outreach activities, at pakikipagtulungan sa mga health professionals, isinusulong ng DKT Philippines ang mas malawak na kamalayan tungkol sa reproductive health upang mabawasan ang hindi planadong pagbubuntis at mapalakas ang suporta sa iba’t ibang contraceptive methods, kabilang ang vasectomy.