Ang punto  ng aming capstone project ang pagbibigay-kaalaman at suporta sa mga lalaking Pilipino sa vasectomy at pagpaplano ng pamilya. Gusto naming alisin ang mga maling akala, ipromote ng bukas na usapan, at bumuo ng komunidad para sa pagbabahagi ng karanasan at pag-access sa mga kwalipikadong healthcare providers.

MISSION

Layunin naming magbigay ng tamang impormasyon sa vasectomy at pagpaplano ng pamilya, at gumawa ng komunidad para sa tamang desisyon sa kalusugang reproduktibo.

VISION

Gusto naming magkaroon ng lipunang may mga lalaking Pilipino na may kaalaman at aktibong pagsasama sa pagpaplano ng pamilya, gamit ang tamang impormasyon at bukas na usapin sa kalusugang reproduktibo.

MEET The TEAM

OUR PARTNER

DKT Philippines Foundation

Ang DKT Foundation Philippines Foundation ay bahagi ng isang international group na nagtutulak ng reproductive health education at family planning services. Dito sa Pilipinas, kilala sila sa pagbibigay ng abot-kayang contraceptives gaya ng Trust Condoms, Trust Pills, Lady Pills, DepoTrust, at pati na rin ang mga vasectomy services.

Pero hindi lang sila nagbebenta ng produkto, aktibo rin silang nagtuturo at nagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa vasectomy bilang isang ligtas, epektibo, at permanenting opsyon para sa mga lalaking ayaw na magkaanak.

Sa tulong ng kanilang mga education programs, outreach activities, at pakikipag-ugnayan sa mga health workers, layunin ng DKT Philippines na: itaas ang kaalaman tungkol sa reproductive health, bawasan ang hindi planadong pagbubuntis, at hikayatin ang mas responsableng pagdedesisyon para sa kinabukasan ng pamilya.

OUR PARTNER

DKT Philippines Foundation

Ang DKT Foundation ay isang pandaigdigang organisasyon na nakatuon sa pagpapabuti ng kalusugang pang-reproduksyon at pagpaplano ng pamilya. Sa Pilipinas, kilala ito bilang DKT Philippines, na nagbibigay ng abot-kayang contraceptives tulad ng condoms, pills, IUDs, injectables, at vasectomy services.

Kilala rin ang DKT Philippines sa mga brand tulad ng Trust Condoms, Trust Pills, Lady Pills, DepoTrust, at iba pang produkto na tumutulong sa ligtas at responsableng pagpaplano ng pamilya. Bukod sa pagbebenta ng contraceptives, aktibo rin silang nagpo-promote ng vasectomy bilang isang ligtas, epektibo, at permanenteng paraan ng family planning para sa mga lalaking ayaw nang magkaanak.

Sa pamamagitan ng mga programa sa edukasyon, outreach activities, at pakikipagtulungan sa mga health professionals, isinusulong ng DKT Philippines ang mas malawak na kamalayan tungkol sa reproductive health upang mabawasan ang hindi planadong pagbubuntis at mapalakas ang suporta sa iba’t ibang contraceptive methods, kabilang ang vasectomy.